BANGHAY-ARALIN SA EKONOMIKS (A.P. IV)
JULY 26-27, 2011
I. LAYUNIN:
Sa katapusan ng aralin, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang makapagtatamo ng 80% pagkatoto sa mga sumusunod:
1. Maipaliwanag ang kaibahan ng pangangailangan at kagustuhan;
2. Matukoy at maipaliwanag ang mga salik na nakakapagpabago ng mga pangangailangan; at
3. Makagawa ng pamantayan sa pagpili ng mga bagay sa ating pangangailangan at kagustuhan.
II. PAKSA:
ARALIN 14 – PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
A. Balitaan
B. Balik-aral
Paano magiging produktibo ang isang manggagawa?
C. Pagganyak
Magbigay ng ilang halimbawa ng pangangailangan at kagustuhan ng mga sumusunod na tao:
-Guro -Doktor -Karpintero -Tindera
D. Paglinang ng Aralin
@ Unang Bahagi:
-Pagbibigay ng impormasyon ng naatasang tagapag-ulat ukol sa paksa.@ Ikalawang Bahagi:
-Pagsagot sa mga sumusunod na katanungan:
1. Magbigay ng sampung bagay na kailangan o gusto mo sa buhay. Pagsunod-sunurin ito ayon sa kahalagahan nito sa’yo.
2. Ipaliwanag kung bakit ganun ang iyong ginawa?
3. Ano ang kaibahan ng pangangailangan at kagustuhan? Magbigay ng halimbawa sa bawat isa.
4. Suriing muli ang sampung halimbawa na kailangang ibinigay.
5. Pareho ba ang pagbibigay halaga sa mga bagay ng bawat isa?
6. Ano ang mga salik na nakapagpapabago ng mga pangangailangn ng tao?
7. Ipakita atsuriin ang herakiya ng pangangailangan ayon sa teorya ni Abraham Harold Maslow.
8. Ano naman ang iyong pamantayan sa pagpili ng mga bagay sa iyong pangangailangan at kagustuhan? Sa palagay mo, makatwiran ito? Bakit?
E. Pagpapahalaga
Ano ang isang bagay ang lubos na magbibigay kasiyahan at tagumpay sa iyong buhay? Ipaliwanag.
F. Paglalahat
“No man is an island”, ang kataga ba na ito ay tumutukoy sa pangangailangan o kagustuhan? Ipaliwanag ang sagot.
G. Ebalwasyon
I. Punan nang tamang sagot.
1. Kumakain at umiinom ang tao upang matugunan ang pangangailangang _______.
2. Tumitira sa bahay ang tao dahil sa pangangailangang ________.
3. Nakikisalamuha ang tao dahil sa pangangailangang _________.
4. Gusto ng isang tao na maging maganda at malinis ang kanyang sarili at kapaligiran
5. Nagbabasa ang isang tao dahil sa pangangailangang __________.
II. Tukuyin kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng pangangailangan o kagustuhan.
1. Pagbili ng di-tatak na damit.
2. Pagkain sa restawrant paminsan-minsan.
3. Nakikisalamuha at nagmamahal.
4. Pagpapatayo ng ilang bahay-bakasyunan.
5. Pagbabasa ng dyaryo araw-araw.
III. Pag-iisa-isa
(2) Uri ng Pangangailangan
(3) Halimbawa ng Pangangailangang Pisyolohikal
(5) Salik na nakpagpapabago ng pangangailangan ng tao
IV. Kasunduan:
1. Ilarawan ang isang maunlad na bansa.
2. Magbigay ng halimbawa ng mga paraan upang matamo natin ang kaunlaran sa ating bansa.